Thursday, December 18, 2008

NAMAMASKO PO

MALAMIGangPASKOpagWALAkaSApilingKO


ilang araw na lang at pasko na uli. ang bilis ng panahon, parang kelan lang ay sumisigaw ako sa terrace nmin at tinatawag si Santa Claus para marinig nya ang hiling ko sanang regalo sa kanya.

Ako: Santa Claus! gusto ko gift yung sasakyan ng GI JOE
----kinabukasan----
ang nakuha ko action figure na GI JOE.. pero with hand chop action nman.



gnyan ako nung bata ako, magwiwish ng regalo pero hindi nman un ung nakukuha ko, parang ginagago lng ako. pero meron huli nakuha ko gusto ko pero yun ung panahon na alam ko na kung sino talaga si santa claus. ako na namili nung regalo ko. kaya pag ako nagkaanak, ipapalitaw ko na may contact ako kay santa claus para kung ano ung gusto ng anak ko un ung ibibigay ko.


ngyong magpapasko maraming hinihiling ang mga tao, kahit nga bakla hinihiling na maging ganap na babae e. well sori.. next wish please. mga bata nagmamakaawa na sa mga magulang nila naglulupasay sa sahig ng mga mall mabili lang ang paboritong robot. ang mga boyfriend ilalabas na ang inimpok na pera para sa panregalo para sa kanilang irog. ang mga studyante nagbbigay n ng chocolate crinkles sa prof nila para mabigyan ng tres. pero ang pagreregalo ay nde nakukuha kung gaano kalaki o kamahal ang regalo ito ay nasusukat mula sa puso, kaya khit x-mas card lang ang ibigay mo ok na basta galing sa puso. sa lagay ko mahirap maghanap ng ireregalo sa mga inaanak ko, para akong nagiicip ng methodology nung thesis ko, kung ok lang sana sa kanila ehh intermission number na lang sna nagpraktis na lang ako mas madali pa un.


at sa pagbili nman ng pangregalo dapat maging maingat lalo na sa mag mall, palengke o mga tiangge dahil maraming mga magnanakaw ngyon, pero wag magalala maraming mga self defense tactics na maaring magawa pag nsa gitna n ng mga pangyayaring ganito. unang taktika, kumain ng maraming kamote at pag biglang natutukan sigurado ako kakabahan ka dun mo mailalabas ang bagsik ng kaba mo, maaaring maperwisyo din ang iba pero kung jeep ang hinoholdap sure ball ikaw ang magiging bayani. pede ka rin magaral ng mga magic tricks para pag sa oras na hinoholdap ka o ang jeep na sakay mo aaliwin mo lng ang magnanakaw hanggang sa makalimutan nya na nanghoholdap ka. magiging bayani ka rin nun. para nman sa mga holdaper wag kau msyado mging marahas sa mga hinoholdap nyo, dapat may talent kau, imbis na isigaw nyo ang pagdedeklara ng holdap, pede kau magsulat sa papel na lang ng "walang kikilos, holdap to" at kantahan ng xmas songs ang mga hinoholdap nyo. may nagawa akong lyrics para sa inyo:

isabay sa tono ng "Jingle Bells"

holdap to holdap to
ilabas ang celfone nyo


holdap to holdap to
pati ang wallet nyo



sa ganitong paraan maari p kaung madiscover ng abs-cbn para sa star dream academy at may pagkakataon p kau maging ganap na mangaawit at aktor.


masarap pag pasko pero huwag kalilimutan na hindi lang ito isang okasyon, ito ay ang espsyal na panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. dahil ang araw ng kapaskuhan ay ang araw na isinilang ang ating tgapagligtas.

No comments: