Saturday, November 8, 2008

NUNG AKO'Y BATA PA

ANGhindiMARUNONGtuminginSApinanggalinganAYhindiMAKAKARATINGsaPAROROONAN

ahhh shet ang tgal kong hindi nakapag blog. wala akong maisip na makukuwento eh. well ngayon naisip ko hindi ko pa pala na iintroduce ang sarili ko. Ako po ay si Vonn Paolo E. Rivera pinanganak noong july 25, 1985 yes! tama bata pa ako twenteen three at taga las pinas po ako. dito na ako sa las pinas tumanda. marami akong mga karanasan dito nung ako ay bata pa. una akong nag aral sa our lady of fatima parish school na ngayon ay isang parte na lang ng kasaysayan ang paaralan na un. dun ako nag nursery at wala pa akong masyadong maalala nun ang alam ko lang ay nagslide ako nang pahiga dun at mmya na lang eh nakita ko na lang ang sarili ko na nakabulagta sa lupa na putok ang isang kilay. feeling ko kasi ako si batman nun at dun ko na din nalaman kung bakit hindi slide ung gamit ni batman pababa sa batcave niya.

matapos ko sa OLFPS lumipat na ako sa Divine Light Academy, at doon na nagsimula ang aking paglalakbay sa akala ko walang katapusang pag aaral. nag kinder ako nun naalala ko first day of classes dapat pogi ako kaya pumasok ako na posturang postura pa buhok keempee pa ako nun todo hiwa ang buhok at plantsado pa, kahit langaw madudulas pag pumatong sa buhok ko. masaya ang maging kinder, matututo kang magbilang, magsulat, magkulay at magbasa. marami din akong mga naging kaibigan at may mga salbahe ding mga bata salbahe sila kasi ayaw ko sa kanila. mabait ang aming guro pati ung assistant nya lagi ako sinasapinan sa likod pag pawis ako bilin kasi un ng aking lola. matalino ako nung bata ako, nkapasok ako sa top 10---pang 10 magaling ako sa english kasi, hanggang ngyon p rin nman e.. what? oh yes... yes.. yes.. no... no.. i don't know.. dba.. galing ko. noong nag prep ako, matalino pa rin ako, nkakapasok pa rin ako sa top 10-----pang 10 pa rin dhil magaling dw ako sa english uli at sa filipino at sa music nkatanggap pa ako ng best in music noon. noong prep din ako una nagkacrush pero ung crush ko nun ay may ibang crush, ayaw sa cute gusto sa gwapo e. noong prep din ako natuto manilip sa ilalim nang palda ng mga classmate ko at gnun pla ang ichura sa ilalim nang palda nila, makukulay na panloob. nagtapos ako ng preschool with pride no honors kasi kahit nasa top ten ako wala lang pla un pang 10 ako e. pero maganda nman ang picture ko sa year book ko
at ang caption.

"VONN PAOLO E. RIVERA
Handsome and wise boy"

totoo yan, hindi yan binayaran ng nanay ko para ilagay na handsome ako kasi handsome tlga ako noong bata ako ngyon cute n lng. edad 6 ako noon, dito sa amin marami na akong mga kaibigan madalas akong naglalaro sa labas ng bahay, patintero, langit lupa, taguan, tumbang preso, matayataya. magaling ako sa mga larong yun, lalo na sa tumbang preso, star player ako dahil bida ang aking tsinelas noon, makapal, matibay at paghinagis mo sure tutumba ang lata, rambo ata yung tatak ng tsinelas ko noon. pero may mga conflict din sa buhay ko, sa hindi kalayuan na tabi ng bahay namin ay may makikita kang poste doon at bawal ako lumampas dun sa poste na yun pag nkita nila na lumampas ako... aun palo! at bawal ako lumampas ng 6pm sa labas at pag hindi ako umuwi nang 6pm.. palo uli! nagbalat kalabaw ang puwet ko sa kakapalo nila. minsan nga sinundan ako may dalang parang inipon na talahib at un ang pinampalo sa akin. parang semana santa nga e at ako ay ipapako sa krus. naaliw din ako sa laro tex mga malalaki pa ung mga tex nun at hindi pa celfone un, tex tlga ung mga karton na pinipitik na may pato ka at ung kalaban mo at may panggulo at habang nasa ere pagpitik mo may ritwal kang sasabihn "tsob cha akinnnn!" pero pati ang kalaban mo sasabihn un kaya dapat para tumalab sayo un, maganda, maayos at malinaw ung pagssbi mo at sure! panalo ka! tapos pag pawis ang likod ko hahabulin ako ng lola ako at sasapinan sa likod at sasabhin

"lagi k na lng nagpapapawis"

nang grade 1 ako nun sa DLA pa rin, may school bus na ako si tita tess, mini van ang sasakyan nya at tuwang tuwa ako pagumaatras ang kanyang van dahil may music. noong grade 1 ako, tamad akong magsulat ng lecture nun kasi imagine, isang buong blackboard ang sakop nya at kulang pa buburahin pa un para sa another set. sa science un at hindi na sya nagtuturo at ang matindi dun pag sya dumikit sa blackboard para magsulat may lahi syang chameleon dahil kakulay halos kakulay nya ang blackboard at chalk lng at mata nya ang maputi, pag sya nagsalita isama mo na pati ngipin nya pero sa tingin ko dilaw ngipin nun e. sna wag nya mabasa to.. kaya ang nangyari ako ang pinaka mabagal matapos magsulat sa klase. may classmate ako sobrang bilis magsulat parang lima ang kamay nya at lahat un nkakapagsulat well sori kanang kamay ko lang ang marunong magsulat. dito sa antas na ito rin ako unang ngpropose sa crush ko at ang naging tulay ko ay ung classmate ko na may crush din sa crush ko, binulong ko noon na sbihn nya ang mga katagang mkkpagpakilig sa isang babae.

ako: sbihn mo nman kay *tooooot* na I LOVE YOU sbihn mo pinapasabi ko
classmate ko: sige
after nang ilang minuto...
classmate ko: i hate you daw sbi ni *toooooot* bwahahahahahaha


shet! dun ko din naramdaman ang unang busted. at ang masakit p dun ehh tinawanan pa ako parang gago lng db. edad 8 nko at grade 2 na ako. dun ko nman unang nakilala ang mga naging kaibigan ko ngyn. at may classmate pa akong abnoy nun na ninakawan ako ng comics, tangna. nung antas na ito ko din natutunan ang dodgeball gnun pla un pag tinamaan k ng bola out kna kaya dapat iiwas ka hindi lang dahil para hindi ma-out kundi masakit kasi pag tinamaan ka e. grade 2 ko dn unang nkita ung naging crush ko nang limang taon ba.. mula grde 2 hanggang HS-1. nagtapos ako ng grade 2 na wala na sa top 10 pero best in religion ako, salamat sa el shaddai.

masarap tlga maging bata, walang problema, puro laruan lng at cartoons ang inaatupag aral ng konti tpos laro na uli nkakamiss tlga pero bata p rin nman ako e. isa lang ang natutunan ko minsan lang tau mabuhay sa mundo at minsan lang maging bata at lubusin mo na dahil pagtanda mo iba na ang pagkakaabalahan mo. pero sa paglulubos mo laging dapat alamin kung ano at tama at mali, hindi natin maiiwasan magkamali pero wag n ntin uulitin un uli.

note: bata pa lang ako artistahin nako pero nde ako ung iniicp nyo.. mga tae kau! una sa lahat mas gwapo't mas cute ako dun at mas lalake ako s knya!

No comments: