Thursday, December 18, 2008

NAMAMASKO PO

MALAMIGangPASKOpagWALAkaSApilingKO


ilang araw na lang at pasko na uli. ang bilis ng panahon, parang kelan lang ay sumisigaw ako sa terrace nmin at tinatawag si Santa Claus para marinig nya ang hiling ko sanang regalo sa kanya.

Ako: Santa Claus! gusto ko gift yung sasakyan ng GI JOE
----kinabukasan----
ang nakuha ko action figure na GI JOE.. pero with hand chop action nman.



gnyan ako nung bata ako, magwiwish ng regalo pero hindi nman un ung nakukuha ko, parang ginagago lng ako. pero meron huli nakuha ko gusto ko pero yun ung panahon na alam ko na kung sino talaga si santa claus. ako na namili nung regalo ko. kaya pag ako nagkaanak, ipapalitaw ko na may contact ako kay santa claus para kung ano ung gusto ng anak ko un ung ibibigay ko.


ngyong magpapasko maraming hinihiling ang mga tao, kahit nga bakla hinihiling na maging ganap na babae e. well sori.. next wish please. mga bata nagmamakaawa na sa mga magulang nila naglulupasay sa sahig ng mga mall mabili lang ang paboritong robot. ang mga boyfriend ilalabas na ang inimpok na pera para sa panregalo para sa kanilang irog. ang mga studyante nagbbigay n ng chocolate crinkles sa prof nila para mabigyan ng tres. pero ang pagreregalo ay nde nakukuha kung gaano kalaki o kamahal ang regalo ito ay nasusukat mula sa puso, kaya khit x-mas card lang ang ibigay mo ok na basta galing sa puso. sa lagay ko mahirap maghanap ng ireregalo sa mga inaanak ko, para akong nagiicip ng methodology nung thesis ko, kung ok lang sana sa kanila ehh intermission number na lang sna nagpraktis na lang ako mas madali pa un.


at sa pagbili nman ng pangregalo dapat maging maingat lalo na sa mag mall, palengke o mga tiangge dahil maraming mga magnanakaw ngyon, pero wag magalala maraming mga self defense tactics na maaring magawa pag nsa gitna n ng mga pangyayaring ganito. unang taktika, kumain ng maraming kamote at pag biglang natutukan sigurado ako kakabahan ka dun mo mailalabas ang bagsik ng kaba mo, maaaring maperwisyo din ang iba pero kung jeep ang hinoholdap sure ball ikaw ang magiging bayani. pede ka rin magaral ng mga magic tricks para pag sa oras na hinoholdap ka o ang jeep na sakay mo aaliwin mo lng ang magnanakaw hanggang sa makalimutan nya na nanghoholdap ka. magiging bayani ka rin nun. para nman sa mga holdaper wag kau msyado mging marahas sa mga hinoholdap nyo, dapat may talent kau, imbis na isigaw nyo ang pagdedeklara ng holdap, pede kau magsulat sa papel na lang ng "walang kikilos, holdap to" at kantahan ng xmas songs ang mga hinoholdap nyo. may nagawa akong lyrics para sa inyo:

isabay sa tono ng "Jingle Bells"

holdap to holdap to
ilabas ang celfone nyo


holdap to holdap to
pati ang wallet nyo



sa ganitong paraan maari p kaung madiscover ng abs-cbn para sa star dream academy at may pagkakataon p kau maging ganap na mangaawit at aktor.


masarap pag pasko pero huwag kalilimutan na hindi lang ito isang okasyon, ito ay ang espsyal na panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. dahil ang araw ng kapaskuhan ay ang araw na isinilang ang ating tgapagligtas.

Saturday, November 8, 2008

NUNG AKO'Y BATA PA

ANGhindiMARUNONGtuminginSApinanggalinganAYhindiMAKAKARATINGsaPAROROONAN

ahhh shet ang tgal kong hindi nakapag blog. wala akong maisip na makukuwento eh. well ngayon naisip ko hindi ko pa pala na iintroduce ang sarili ko. Ako po ay si Vonn Paolo E. Rivera pinanganak noong july 25, 1985 yes! tama bata pa ako twenteen three at taga las pinas po ako. dito na ako sa las pinas tumanda. marami akong mga karanasan dito nung ako ay bata pa. una akong nag aral sa our lady of fatima parish school na ngayon ay isang parte na lang ng kasaysayan ang paaralan na un. dun ako nag nursery at wala pa akong masyadong maalala nun ang alam ko lang ay nagslide ako nang pahiga dun at mmya na lang eh nakita ko na lang ang sarili ko na nakabulagta sa lupa na putok ang isang kilay. feeling ko kasi ako si batman nun at dun ko na din nalaman kung bakit hindi slide ung gamit ni batman pababa sa batcave niya.

matapos ko sa OLFPS lumipat na ako sa Divine Light Academy, at doon na nagsimula ang aking paglalakbay sa akala ko walang katapusang pag aaral. nag kinder ako nun naalala ko first day of classes dapat pogi ako kaya pumasok ako na posturang postura pa buhok keempee pa ako nun todo hiwa ang buhok at plantsado pa, kahit langaw madudulas pag pumatong sa buhok ko. masaya ang maging kinder, matututo kang magbilang, magsulat, magkulay at magbasa. marami din akong mga naging kaibigan at may mga salbahe ding mga bata salbahe sila kasi ayaw ko sa kanila. mabait ang aming guro pati ung assistant nya lagi ako sinasapinan sa likod pag pawis ako bilin kasi un ng aking lola. matalino ako nung bata ako, nkapasok ako sa top 10---pang 10 magaling ako sa english kasi, hanggang ngyon p rin nman e.. what? oh yes... yes.. yes.. no... no.. i don't know.. dba.. galing ko. noong nag prep ako, matalino pa rin ako, nkakapasok pa rin ako sa top 10-----pang 10 pa rin dhil magaling dw ako sa english uli at sa filipino at sa music nkatanggap pa ako ng best in music noon. noong prep din ako una nagkacrush pero ung crush ko nun ay may ibang crush, ayaw sa cute gusto sa gwapo e. noong prep din ako natuto manilip sa ilalim nang palda ng mga classmate ko at gnun pla ang ichura sa ilalim nang palda nila, makukulay na panloob. nagtapos ako ng preschool with pride no honors kasi kahit nasa top ten ako wala lang pla un pang 10 ako e. pero maganda nman ang picture ko sa year book ko
at ang caption.

"VONN PAOLO E. RIVERA
Handsome and wise boy"

totoo yan, hindi yan binayaran ng nanay ko para ilagay na handsome ako kasi handsome tlga ako noong bata ako ngyon cute n lng. edad 6 ako noon, dito sa amin marami na akong mga kaibigan madalas akong naglalaro sa labas ng bahay, patintero, langit lupa, taguan, tumbang preso, matayataya. magaling ako sa mga larong yun, lalo na sa tumbang preso, star player ako dahil bida ang aking tsinelas noon, makapal, matibay at paghinagis mo sure tutumba ang lata, rambo ata yung tatak ng tsinelas ko noon. pero may mga conflict din sa buhay ko, sa hindi kalayuan na tabi ng bahay namin ay may makikita kang poste doon at bawal ako lumampas dun sa poste na yun pag nkita nila na lumampas ako... aun palo! at bawal ako lumampas ng 6pm sa labas at pag hindi ako umuwi nang 6pm.. palo uli! nagbalat kalabaw ang puwet ko sa kakapalo nila. minsan nga sinundan ako may dalang parang inipon na talahib at un ang pinampalo sa akin. parang semana santa nga e at ako ay ipapako sa krus. naaliw din ako sa laro tex mga malalaki pa ung mga tex nun at hindi pa celfone un, tex tlga ung mga karton na pinipitik na may pato ka at ung kalaban mo at may panggulo at habang nasa ere pagpitik mo may ritwal kang sasabihn "tsob cha akinnnn!" pero pati ang kalaban mo sasabihn un kaya dapat para tumalab sayo un, maganda, maayos at malinaw ung pagssbi mo at sure! panalo ka! tapos pag pawis ang likod ko hahabulin ako ng lola ako at sasapinan sa likod at sasabhin

"lagi k na lng nagpapapawis"

nang grade 1 ako nun sa DLA pa rin, may school bus na ako si tita tess, mini van ang sasakyan nya at tuwang tuwa ako pagumaatras ang kanyang van dahil may music. noong grade 1 ako, tamad akong magsulat ng lecture nun kasi imagine, isang buong blackboard ang sakop nya at kulang pa buburahin pa un para sa another set. sa science un at hindi na sya nagtuturo at ang matindi dun pag sya dumikit sa blackboard para magsulat may lahi syang chameleon dahil kakulay halos kakulay nya ang blackboard at chalk lng at mata nya ang maputi, pag sya nagsalita isama mo na pati ngipin nya pero sa tingin ko dilaw ngipin nun e. sna wag nya mabasa to.. kaya ang nangyari ako ang pinaka mabagal matapos magsulat sa klase. may classmate ako sobrang bilis magsulat parang lima ang kamay nya at lahat un nkakapagsulat well sori kanang kamay ko lang ang marunong magsulat. dito sa antas na ito rin ako unang ngpropose sa crush ko at ang naging tulay ko ay ung classmate ko na may crush din sa crush ko, binulong ko noon na sbihn nya ang mga katagang mkkpagpakilig sa isang babae.

ako: sbihn mo nman kay *tooooot* na I LOVE YOU sbihn mo pinapasabi ko
classmate ko: sige
after nang ilang minuto...
classmate ko: i hate you daw sbi ni *toooooot* bwahahahahahaha


shet! dun ko din naramdaman ang unang busted. at ang masakit p dun ehh tinawanan pa ako parang gago lng db. edad 8 nko at grade 2 na ako. dun ko nman unang nakilala ang mga naging kaibigan ko ngyn. at may classmate pa akong abnoy nun na ninakawan ako ng comics, tangna. nung antas na ito ko din natutunan ang dodgeball gnun pla un pag tinamaan k ng bola out kna kaya dapat iiwas ka hindi lang dahil para hindi ma-out kundi masakit kasi pag tinamaan ka e. grade 2 ko dn unang nkita ung naging crush ko nang limang taon ba.. mula grde 2 hanggang HS-1. nagtapos ako ng grade 2 na wala na sa top 10 pero best in religion ako, salamat sa el shaddai.

masarap tlga maging bata, walang problema, puro laruan lng at cartoons ang inaatupag aral ng konti tpos laro na uli nkakamiss tlga pero bata p rin nman ako e. isa lang ang natutunan ko minsan lang tau mabuhay sa mundo at minsan lang maging bata at lubusin mo na dahil pagtanda mo iba na ang pagkakaabalahan mo. pero sa paglulubos mo laging dapat alamin kung ano at tama at mali, hindi natin maiiwasan magkamali pero wag n ntin uulitin un uli.

note: bata pa lang ako artistahin nako pero nde ako ung iniicp nyo.. mga tae kau! una sa lahat mas gwapo't mas cute ako dun at mas lalake ako s knya!

Sunday, November 2, 2008

LOVE ACTUALLY

MINSANlangMAGMAHALngTUNAYangPUSONGsawiSANAhuwagNAMANitongSAKTAN

Ang tao pag umibig parang umutot.. naamoy na at nabuko na ayaw pang umamin pero guilty.

pare1: pre ang baho ikaw ba un?
pare2: ha? nde ako un ah!
pare1: aminin mo na dalawa lang tayo dito e..

well thats life.. full of denials.

reporter: totoo bang kayo na ni *toooot*
actor: no.. we're good friends

bakit ba? ano ba ang kinahihiya nyo at hindi nyo maamin na may gusto kayo sa isang tao? hindi nman sya mangangain, bakit? kasi ba kapwa lalaki ang gusto nyo o kapwa babae? pero ang kakapal na muka nyo na sbihn kng cno cno chikas nyo tpos ssbihn nyo pa na pinopoy nyo, tapos ngyon ssbihn mo na mahal nyo nde nyo masabi. naalala ko tuloi ung batang tinanungan ko kng cno chicks nya. lintik biglang umiyak!

ilang beses knb umibig nasaktan at lumuha? kung ako tatanungin nyo madaming beses na pero nandito pa rin ako tuloi tuloi ang pagtibok ng puso. nangyari na sa akin ang mabaliw pero nde ako tumakbo sa edsa ng nka hubad. naloko na rin ako at nauto. kung kukumpara nyo ang mga pangyayari sa akin kaysa sa inyo sa tingin ko malala ung akin.

walang pinipiling edad o antas ng pamumuhay pag umibig ka. wlang pinipiling ichura panget k man o manganda. sbi nga ni geneva cruz.. "kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito". tama! mahirap pairalin ang katalinuhan pang dating sa pagmamahal. khit suma cum laude ka man o magna cum laude bsta nahulog ka sa isang tao patay na.. pag ibig na ito.

may mga taong torpe din at hindi maamin ang tibok ng puso nila. ang masasabi ko lang ay lakasan ang inyong loob, ilabas ang pagkalalake pero wag sa harap nila bka masampal ka at ibang pagkalalake ung tinutukoy ko. dumi ng icip nyo ah! at BE YOURSELF kaso kung manyakis ka... DON'T BE YOURSELF.

Boy: mahal kita
Girl: ha?
Boy: wla sbi ko peram ballpen


at nde rin matutupad ang pangarap mo na maging kayo kung nde ka aamin sa kanila. maraming paraan para umamin sa mahal nyo pero siguraduhing hindi kayo mapapahiya kaya sundin ang mga sumusunod.

1. masipilyo, maligo at magsuklay kung aamin na kau. dapat gwapito ang dating para ma starstruck ang mahal nyo
2. kung dadaanin ang pagamin sa isang kwentong nakakatuwa. magicip ng maayos na kwento wag mo ikwnto ung tungkol sa amerikano, pilipino at hapon. mababasted ka lang
3. kung gagawan mo nang tula ung mahal mo, huwang ung pinaghalo halong lyrics ng superman, passenger seat at follow me mauuwi un sa isang wlang kwentang novelty song. bka madaig mo pa sa lito camo
4. iwasan ang mga linya ni john loyd dahil magmumuka ka lang tanga.
5. wag kang mgssbi kng may ari b sya ng crayola at lalo nang wag ung "miss troso kba?" sampal ang aabutin mo

maraming mga paraan pero sa sobrang dami nde ko na alam ung iba.. pero pag sinunod nyo to sure nde kau masasawi.

ang pagibig ay nde isang laro na patintero yan na pag nataya ka ehh ayaw mo na. kung magssbi kang ng "MAHAL KITA" isa puso at wag isa puson. maraming pedeng

mahalin pero iisa lang at dapat mahalin. mahirap makahanap ng tunay na pagibig. klangan mo panindigan ang ssbihn mo dhil higit pa yun sa isang salita.

PAGMAHAL MO ANG ISANG TAO WAG NANG PALIPASIN NG SEGUNDO DAHIL HINDI MO ALAM SA SEGUNDO NA YUN AY PANGHABANG BUHAY NA.

Friday, October 31, 2008

THIS IS WHERE ALL YOUR TAXES GO

MAHIRAPmabuhaySAmundoNANGwalangALAMmatulogKAnaLANGatHUWAGnangGIGISINGpangMULI

ilan taon naba akong nagttrabaho? sakto 2 yrs pa lang! una wla akong pake sa mga kaltas sa sweldo ko kasi ang baba lang nman e. magkano ba kaltas sa akin nun... uhmmm nsa P1000 lang pero ngyon lintek! binuksan ko ung payslip ko at nakita ang laki ng tax! shet na tax yan! ano ba naitutulong nyan? kung susuyurin ko buong subdivision nmin at pagsamasamahin nmin ang aming mga tax para sa isang buwan lang. cguro ako mkakabuo ako ng mga P1,347,843.75 at kung sa isang taon.. nde ko n alam kng magkano pero mas malaki un kumpara sa isang buwan lang. at ano lang ang makikita mo?

1. waiting shed at nakalagay "this is where all your taxes go"... minsan donated pa nang kung sino mang kurimaw na nangangarap tumakbo bilang brg capt.
2. sementadong upuan sa park at nakalagay "this is where all you taxes go" na makikita mo minsan donated p ng asawa, anak, biyenan, katulong, barbero, manikurista ng mayor.
3. poste ng ilaw at nakalagay "this is where all your taxes go" na kadalasan pundido p ung bumbilya o kaya umaga nagsisindi ung ilaw.
4. road widening at nakalagay "this is where all your taxes go" na khit lumapad p ung kalsada.. kasing lapad ng ilong ni allan k.. nagttrapik p rin.
5. road asphalting at nakalagay "this is where all your taxes go" na konting ulan lang at matapakan ng isang dambuhalang call center agent ehh wasak na.
6. flayover at mga tulay at nakalagay "this is where all your taxes go" na ok naman to. may naitutulong pero puta pagnatapos may bayad sa toll private pla imagine.. tax natin lahat ang nagpagawa nyan tpos babayaran pa natin.. hayuf! kung wla nman bayad, ung ponsyo pilatong senador o kung cno man ang may proyekto nun ay may bago nang fortuner bago matapos ang tulay. san kpa?
7. overpass at nakalagay "this is where all your taxes go" at may makikita kang another project of mayor blah blah blah at kung mapupunta ka sa bahay nila eh bagong renovate n rin, "this is where all your taxes go... also!"
8. clean and green program na nakalagay "this is where all your taxes go" na magtatanim ng kung ano mang puno sa gilid ng kalsada at kung ppunta ka sa bahay ng mayor nyo bagong gawa din ang garden. clean and green nga nman dba?!
9. paglilinis ng imburnal at nakalagay "this is where all your taxes go" pero mas lalong nagbabaha, nde ko nga alam kung nililinis b tlga o naglalagay lang cla ng mga bangkay dun nga mga nasalvage na nagbblog ng mga ganitong babasahin e.
10. edukasyon para sa masa at nakalagay "this is where all your taxes go" pero ang mga teacher nagtitinda ng tocino sa gabi para ipasa lng mga studyante.

marami pang ibang proyekto ang ginagarapal ng mga tao sa gobyerno, kung iisipin nyo kung nde lang nila ibubulsa ang mga tax natin eh pede nang mabayaran ang utang ntin sa ibang bansa.. installment sympre! nakakatulong din nman ung iba eh pero mas nakakatulong ung budget nun sa personal na pangangailangan ng mga nakaupo. sabagay magkano lang ang sweldo ng presidente.. nsa 60k lang pano p kaya ung mga nsa ibaba nya?

sugarbaby: honey kailangan ko mapagaral mga kapatid ko at ang nanay ko may sakit
pulitikong sugardaddy: gnun ba baby?
sugarbaby: oo honey pls tulungan mo ko. gagawin ko lahat para sayo (sabay buka ng mga hita) pulitikong sugardaddy: sige ako ang bahala

*plok* *plok* *ploK*

after 1 week...

pulitikong sugardaddy: magpapatayo ako ng flyover mula coastal rd hanggang macapagal rd. ang budget. P 3M!!
utotuong mamamayan: (palakpakan)

nakakapanghinayang tlga ang pinagpaguran tpos makikita mo na gnun lng.. sa sarili mong tax.. mkakapagpaaral kna nang isang musmos. at sa sarili mong sweldo mkakapagpaaral kna rin ng isang college student na chikas. kaya matutong magbudget. maraming paraan ng pagtitipid

1. magbaon na lang ng kanin at kaibiganin ang mga kaopisina para hingan ng ulam
2. magbunot na lang ng damo para gawing yosi.
3. matuto mag lakad. mula bahay hanggang opisina, para nde malate, umalis ng maaga.
4. mag simula ka ng paluwagan sa opisina at pag malaki na ang nakuha mo.. mag resign ka bigla.
5. lagi magdala ng biblya sa bus para basahan ang mga pasahero, driver, kondoktor, holdaper para mkalibre ng sakay
6. umiwas sa beerhouse at massage parlor. kung nde na mapigilan sa cubao meron kahit pangkape lang.. dun muna
7. mag work out para pagdating ng bagong taon maraming maagaw na barya. 8. magsideline... opisboy sa umaga call boy sa gabi
9. pag kakain sa restaurant.. wag na magiwan ng tip may sweldo nman cla.. sayang barya
10. ang lalaking gipit sa bakla kumakapit

sundin ang mga ito at mganda ang pasok ng pera sau.

THE GOVERNMENT IS NOT A BUSINESS, ITS A RESPONSIBILITY!!

TRICK OR TREAT

EHanoNGYONkungCUTEkaSIvonnKAba?

yes! friday! nkktamad pumasok nde dhil sa friday sickness ngunit dahil sa half day lang kami. kya hindi na ako nagbaon at wla akong dalang notebook at ballpen. pagdating ko sa opis late ako! astig! nadatnan ko mga opismates ko na binibigyan cla ng SSO. magkakaroon na pla kmi ng access.. astig! COOL! pero wla nga akong dalang notebook at ballpen kya nanglimos ako ng papel at humiram ng panulat hanggang sa makuha ko na ung aking SSO. shet ang dami.. may oneworld id, oneworld number, pepople id ano pba nkalimutan ko na puro numbers pa.. patay! sarili ko ngang cell number nde ko memorize e.. nung nakuha n namin ang aming mga number id. kami ay nag access na sa kung ano anong site nde verizon. nde ko na babanggitin d2 lahat kasi madami pero nde ko makakabisa un agad... nde nman ako ganun katalino. boring puro sign up sign up.. nagdadasal na sana uwian na.. buti na lang nakkpag YM nko nun.. at nung natapos na ang lahat aun awa ng dyos.. uwian na.. walang kwntang training pero ok lng buo p rin ang sahod.

umuwi ako at kumain ng lunch at umalis uli, ppunta sa IPC para kunin lng ang payslip kasi parang kulang sahod ko. nsa bus ako nagulat ako nandun c batman nagcocommute.. ay bata pla.. nka costume na batman holloween nga pla ngyon at trick or treat. naicip ko 2loi sna may mga chikas na mag trick or treat sa bahay nmin. laging treat basta sa akin muna ng sandaling kaligayahan.. nde ako manyak.. passionate lng ako. aun at nkaabot nko sa buendia sa kakaicp ng kng ano ano bumaba ako at sumakay ng jeep papunta sa RCBC. pagdating ko dun.. walang bago.. sabagay 2 wks lng nman akong wala e. umakyat sa 34th flr at kinuha ung payslip nde pla kulang ang laki lng tlga ng kaltas.. shet! ung nakaraan kya pla mas malaki kasi may night diff. ngyon alam ko na.. nde nko magrereklamo nagplano p nman ako ng sasabihn. namiss ko ang libreng juice at pumunta sa pantry at uminom ng 4 seasons.. wlang gnun sa verizon.. badtrip! bumisita ako sa NOC pero bawal nko sa loob kya hanggang pintuan lng ako.. unexpected ang dating ko pero parang pinaghahandaan nila dhil na corner ako agad at nagpamiryenda sa mga boss ko dun.. ok lng kasi nde nman eat all you can e.. miryenda na tinapay cheezee at pancit canton lng.. after kumain, nagyosi kmi at aun umalis nko.

habang pabalabas ng RCBC nagiicip ako ng ggwin ko.. gus2 ko mag glorietta bbili dapat ng enclosure para sa HD ko pero naicip ko magrereformat lng nman ako kya klangan ko ung isa kong HD.. hihiram n lng ako sa utol ko.. naglibot libot sa mall bka may makilalang chikas o may mkitang kakilala na makakakwentuhan. pero wala e.. nagdaan ako sa G4 tumingin ng palabas.. walang kwenta nde ko type.. kya wla nagicip na umuwi na lang kaysa sa gumastos. habang papunta sa SM naicip ko na dumaan sa toy store.. at aun shet! pinatakam ko lng sarili ko.. ang pakay ko tlga e.. pag may nkita akong iron man n may part n batok ni moddok ehh bibilhin ko na para mabuo n ung halimaw n un.. pero wla ang nakita ko mga GI joe! ung 2.5 ft na millenium falcon! 1966 batmobile! shet! gus2 ko un! kaso puta.. 3k!! ehh bibili pko nung hellboy. shet daming laruan.. gus2 ko tlga lahat.. sna nde nako pumasok dun.. parang nung nanood kmi ng show sa sparkle.. nanakit lng puson ko.. argh. uuwi n lng ako at mageedit ng pix.. eedit ko n lng mutliply ko at magbblog.. ggwin ko tong walang kwntang blog na to.. at gagawa ako ng wish list ko.. abangan nyo susunod na blog ko...

HAPPY HOLLOWEEN...... VISIT THEM OR ELSE THEY WILL VISIT YOU!!

Thursday, October 30, 2008

IN MY ABNORMAL LIFE

KUNGhindiKAmarunongMAGBASAmagaralKA

hayyy nako! pano ba ako magsisimula? well... makulay ang buhay ko dahil sa mga pangyayari na hindi ko inaasahan..

TUESDAY :

ang boring ng training wla nang pumapasok sa utak ko.. MPLS? buti na lang may idea ako kung ano un.. pero tlgang nkakatulog ako nkakaantok e.. pero masaya kasi half day lang.. nga pla bago ko ituloi to.. sa verizon business n nga pla ako nagwowork.. un lng.. hehehe.. game.. aun nga.. half day kasi kukunin namin ung ATM card nmin sa BPI.. nakisabay nko kay eli(dati kong client sa AIG ngyon opismate ko na) papunta sa bangko. mainit ang panahon pero nkajacket pa rin ako.. sympre japorms e. pagdating sa bangko, nilabas ko na agad ang photocopy ng aking NBI clearance. naalala ko klangan p pala ng proof of billing at nde ko sinasadyang mapa "SHET!" sa harap nung desk ng nagbibigay ng ATM card. gulat c ate.

ATE: bakit may nkalimutan ka?
AKO: (nagicip ng dadahilan) ay! birthday ko pala.
ATE: dapat magpakain ka..
AKO: (nagiicip n ng palusot) opo! magpapakain ako kung mkkuha ko atm card ko ngyon


sa awa ni Lord ehh wla n pla ako kulang at nakuha ko na ung aking atm card. kailangan palitan ang password. ang haba ng pila.. nagtanong ako

"ate pede ba sa ibang bangko?"

aun! tnong ng tanga ang tinanong ko.. kya sagot ng tanga ang cnagot..

"ay! nde! dapat BPI lang"

grabe kng nandun ka.. para kang nanood ng joke sa bubble gang. pero ang gus2 ko tlgangang sbihn e kng ok lng ba sa ibang branch. npakamot n lang ako at pumila at aun ok na.. umuwi na ako.

====SKIP KO NA UNG GABI KASI BASTA!===


WEDNESDAY:

nagcing ako naligo at pumasok. boring pa rin ang training.. wla akong ginawa kundi pigilan ang antok, magyosi at pgilan ang antok. wala n tlga pumapasok sa utak ko.. d bale matututunan ko dn to sa actual work.. after lunch at ung nagtuturo ay sakto nakaupo lng ako nsa likuran so.. its my chance!! nakaw ng tulog! POWER NAP! sarap ang lamig! biglang tapik sa akin ang nsa tabi ko.. shet ung HR pumasok.. nwala antok ko.. nag announce lng na ang cute ko dw... pero nde un ung cnabi e.. sna un n lng tlga.. pero ang cnabi e.. half day kmi sa friday.. astig! aus! 3pm na natapos ang training.. maaga.. wla ako mapuntahan.. nagiicip ako na mag southmall para bumili ng pantakip sa keyboard ng laptop ko.. pero naicipan kong mag ATC n lng dahil biglang may naalala ako.. pagdating ko sa ATC aun hugot sa wallet at timezone card.. swipe sa drummania.. at aus! 200+ p ung load ko.. sbi n nga ba e.. huling load ko d2 nung nanood ng kung fu panda... bsta aun.. waaaaaa ~~~only reminds me of you..~~~ laro laro laro ako.. at game over game over game over.. alam ko magaling p rin ako mabigat lng tlga ung sticks..hahaha.. aun nung napagod ako at nsabi ko na no match ung laro.. naglakad nko s may mga sinehan.. at.. ~~~only reminds me of you..~~~ ako ay naghanap n lng ng case ng ipod ko.. kasi laspag na.. pero wla ako mkita at nauwi ako sa pagbili ng mouse at screen protector ng ipod.. wla nang ibng color ung mouse blue lng tlga pero ok na i feel blue e..~~~only reminds me of you..~~~ aun at nga pla may pumasok chikas., sexy nka mini shorts at may ksamang mukang rakistang bading.. pero nung natagalan ang pagtingin hipon pla.. hehehe.. pero may dating ah nkailang tingin ako s knya.. feel ko type nya ako e nahuhuli ko nkatingin sa kin.. hahahaha.. pero shet nman speaking dollar..


GIRL: you need that pba?
MUKANG RAKISTANG BADING: blah blah
GIRL: im gonna tell your kuya
AKO: (pabulong) whatever yaya!


shet! hahahaha.. pag nde na kayang sbihn sa english nagtatagalog na.. ehh mukang konyo p rin.. hahahaha.. get a dictionary and eat it.. bwahahahaha.. aun after nun nkapagbayad nko at excited nang umuwi dahil mageedit ako ng pics... naglakad lakad uli sa ATC muna saglit... ~~~only reminds me of you..~~~ dapat magyoyosi ako pero ~~~only reminds me of you..~~~ kya nde na lang.. uuwi n tlga ako ayaw ko na gumastos.

====SKIP KO NA UNG GABI KASI BASTA!===


bakit ko ba nilalampasan ang gabi? wla lang...... kanina nde ko alam kng pano simulan to.. ngyon nde ko na alam kung pano tapusin... pano ba?

LOVE--- Accdg to Bob Ong

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."


3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."


4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."


5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."


6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."


7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."


8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."


9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."


10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."


11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."


12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."


13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."


14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."


15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."


16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”


17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”


18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"


19. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

note: repost lng to.. tnx ah! hehehehe...